Nananatili ang lakas ng Tropical Storm Basyang matapos itong mag-landfall at kasalukuyang tumatahak sa bahagi ng Jabonga, Agusan del Norte.
Namataan ito sa area ng Jabonga, Agusan del Norte.
Taglay ang lakas ng hangin na 65 km/h malapit sa sentro at pagbugso hanggang 90 km/h.
Kumikilos ito sa direksyong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 25 km/h.
Umaabot hanggang 330 km mula sa sentro ang malalakas na hangin ng serkulasyon ng bagyong Basyang.
Signal No. 2:
Visayas: Timog Leyte, Bohol, malaking bahagi ng Cebu, Siquijor, Negros Oriental, at timog Negros Occidental
Mindanao: Dinagat Islands, Surigao del Norte, hilagang Surigao del Sur, Agusan del Norte, hilagang Agusan del Sur, Camiguin, Misamis Oriental, hilagang Bukidnon, at silangang Misamis Occidental
Signal No. 1:
Luzon: Timog Occidental at Oriental Mindoro, Romblon, hilagang Palawan (kasama ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands), at timog Masbate
Visayas: Timog Eastern Samar, timog Samar, Biliran, natitirang bahagi ng Leyte, Cebu, Negros Occidental, Guimaras, Iloilo, Capiz, Aklan, at Antique
Mindanao: Natitirang bahagi ng Surigao del Sur at Agusan del Sur, hilagang Davao Oriental, hilagang Davao de Oro, hilagang Davao del Norte, gitnang Bukidnon, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Lanao del Sur, malaking bahagi ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur, at hilagang-silangan ng Zamboanga Sibugay











