Patuloy na lumalakas ang Tropical Storm Ada habang ito ay nasa Philippine Sea, silangan ng Bicol Region.
Ayon sa pinakahuling, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 120 km Silangan-Hilagang Silangan ng Catarman, Northern Samar o 175 km Silangan ng Juban, Sorsogon.
Lakas ng hangin: 85 km/h malapit sa sentro
Pagbugso: hanggang 105 km/h
Galaw: Kumikilos pa-kanlurang hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h
Signal No. 2:
Luzon: Silangang bahagi ng Camarines Sur (kasama ang Naga City at Iriga City), Catanduanes, Albay, at Sorsogon.
Visayas: Northern Samar, hilagang bahagi ng Eastern Samar (Jipapad, Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche), at hilagang-silangan ng Samar (Matuguinao, San Jose de Buan)
Signal No. 1:
Luzon: Silangang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Marinduque, Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, at Masbate (kasama ang Ticao at Burias Islands)
Visayas: Natitirang bahagi ng Eastern Samar at Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, at hilagang bahagi ng Cebu (Medellin, Daanbantayan, San Remigio, Bogo City, Tabogon) kabilang ang Camotes at Bantayan Islands
Mindanao: Dinagat Islands











