-- ADVERTISEMENT --
Nasagip ang isang bagong silang na sanggol na lalaki na iniwan sa kangkungan sa Macabebe, Pampanga.
Ayon sa mga residente, ulo na lamang ng sanggol ang nakalutang nang makita nila ito sa kangkungan na hanggang tuhod ang tubig.
Agad namang dinala ang sanggol sa ospital at ngayon ay nasa ligtas na kalagayan.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung sino ang mga magulang ng sanggol.