-- ADVERTISEMENT --
Naligtas at naibalik na sa kanyang pamilya ang bagong silang na sanggol na dinukot sa Lingayen Community Hospital.
Nabawi ang sanggol sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pulisya, pamahalaang panlalawigan, at ng pamilya ng biktima.
Matatandaan na nadiskubre ang pagkawala ng bata nang nakatakda na sanang pauwiin ang ina nito mula sa ospital.
Ayon sa ulat, isang indibidwal ang nagpanggap na nurse, kinarga ang sanggol, at itinakas ito.
Nasagip ang bata at naaresto ang suspek matapos itong humingi ng pera kapalit ng umano’y mga nagastos niya.
-- ADVERTISEMENT --
Kasalukuyan na itong nasa kustodiya ng mga awtoridad.