-- ADVERTISEMENT --

Nagtala ng kasaysayan sa 68th Grammy Awards si Puerto Rican superstar Bad Bunny.

Ito ay matapos na magwagi siya ng Album of the Year ” Debi Tirar Mas Fotos” ang unang Spanish-Language na nagwagi ng nasabing pagkilala.

Habang ang rapper na si Kendrick Lamar ay nagkamit ng limang panalo kasama na ang best rap album at record of the year.

Dahil dito ay siya ang unang rap artist na nagkamit ng maraming award sa Grammy.

Sa nasabing awarding ceremony ay kinilala din ang namayapang si Ozzy Osbourne kung saan kinanta nina Slash ng Guns and Roses, Chad Smith ng Red Hot Chilli Peppers , Duff Mckagan ng GNR , Alex Watt at Post Malone sa vocals at kinanta ang “War Pigs” ng Black Sabbath.

-- ADVERTISEMENT --

Nagwagi rin ang spirtual leader na si Dalai Lama sa kaniyang audio book na “Meditation: The Reflections of His Oliness the Dalai Lama”.