Alam niyo ba, mga ka-bombo, sa isang kontrobersyal na social experiment, isang babae mula sa Russia ang pumirma para ipagbili ang kanyang kaluluwa sa halagang 100,000 rubles o $1,180 kapalit ng pagbili ng Labubu doll collection at concert ticket.
Ayon sa ulat, nagsimula ito sa isang simpleng suba mula sa isang marketing expert na kilala bilang Dmitri.
Nag-post siya ng ad na nag-aalok ng bayad na 100,000 rubles sa sinumang papayag ipagbili ang kanilang kaluluwa, at ginawa ito sa pamamagitan ng opisyal na kontrata na pinirmahan gamit ang sariling dugo.
Hindi inaasahan ni Dmitri na may tatanggap sa kakaibang alok niya, ngunit isang 26-anyos na babae ang nag-reply sa ad at nagsabing handa siyang ipagbili ang kanyang kaluluwa.
Lumihis ang takbo ng transaksyon, at hindi alam ni Dmitri kung saan gagamitin ang bagong nabili niyang kaluluwa dahil ito ay bahagi lamang ng isang social experiment.
Samantala, sa panig ng babae, binili na niya ang mga Labubu dolls at concert ticket gamit ang pera mula sa pagbebenta ng kanyang kaluluwa.
Sa ngayon, kinondena ng Russian Orthodox Church ang ginawa ng babae at sinabi nilang may masamang kapalaran ang sinumang magpapabenta ng kanilang kaluluwa.