Ginamitan ng kapulisan sa Australia ng pepper spray ang mga nagsagawa ng kilos protesta.
Tinututulan kasi ng mga protesters ang pagbisita sa bansa ni Israeli President Isaac Herzog.
Ilang katao na rin ang inaresto ng mga otoridad matapos na makasagupa ng mga kapulisan.
Nasa Australia si Herzog para kumustahin ang mga kaanak ng nasawi sa naganap na pamamaril sa Bondi Beach noong nakaraang mga buwan.
Sa apat na araw na pagbisita ni Herzog ay dinalaw nito ang mga puntod ng nasawing biktima ng Bondi beach shooting.
Inimbitahan siya ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa layon na magkaroon ng pagkakaisa at maging kalmado ang mga biktima ng Bondi beach shooting na pawang mga Hudyo.
Tiniyak din ng mga protesters na itutuloy nila ang pagsagawa ng kilos protesta na lalawak pa sa iba’t-ibang bahagi ng Australia.











