Bigo pa rin ang mga otoridad na matunton ang eksasktong lokasyon ng puganteng businessman na si Charlie Atong Ang sa kabila yan ng bagong sampung raids na isinagawa ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Juanito Victor “Jonvic” Remulla, bagamat negatibo ang lahat ng sites na binisita ng mga otoridad ay nagppatuloy pa rin ang pagkakasa ng mga manhunt operations laban kay Ang.
Maliban dito, inihayag din ni Remulla na bagamat marami na silang natatanggap na mga leads at ulat na umalis na ng bansa ang most wanted suspek ay pinaniniwalaan pa rin ng pulisya na nananatili pa rin sa Pilipinas si Ang.
Samantala, una naman na rito ay itinaas na sa P20 milyomg piso ang halaga ng pabuya na iniaalok ng DILG at ng PNP para sa kung sino man ang makakapagbigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Ang.











