Sinimulan na ng Department of Justice (DOJ) na maglabas ng mga subpoenas sa mga nasa likod ng pagkawala ng sabungero.
Ayon kay DOJ Assistant Secretary Jose Dominic Clavano IV, na pinangungunahan ito ng negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang, actress Gretchen Barretto, dating PNP National Capital Regional Police Office chief General Jonnel Estomo at 60 na iba pa.
Dagdag pa ni Clavano na iniisa-isa nilang ibigay ang nasabing subpoena.
Nahaharap sina Ang at Barreto ng multiple murder at serious illegal detention na isinampa ng pamilya ng mga sabungero.
Nakasaad sa subpoena na dapat dumalo sila sa preliminary investigation na isasagawa ng panel of DOJ prosecutors.
Una ng inilagay sa immigration lookout bulletin orders sina Ang at ilang mga sangkot sa nasabing pagkawala ng sabungero.