-- ADVERTISEMENT --

Nananatili pa rin ang mga atleta ng bansa na makakuha ng mga medalya sa huling araw ng 2026 Asian Games ngayong araw, Oktubre 3.

Ilan sa mga maglalaro ay ang softball para sa bronze medal battle kung saan makakaharap ng blu girls ang Chinese Taipei.

Habang ilang mga Jiu Jitsu players ang magkakaroon ng paghaharap sa ikalawang round.

Gaganapin ang pagsabak ng atleta ng bansa sa unang round sa sports na Equestrian.

Nasa final round naman ng larong golf ang matutunghayan ganun din ay sasabak si Breanna Labadan para sa individual all-around final sa Rhytmic Gymnastics.

-- ADVERTISEMENT --

Umaasa naman na makakuha ng bronze medals ang pambato ng women’s pairs sa sports na padel.

Sasabak din para sa 5th-8th place ang mga atleta ng bansa sa sports na Rugby Sevens habang nasa round of 16 ay lalaban si Baby Jessica Canabal sa Taekwondo.

Sa sports na volleyball naman ay makakalaban ng Alas Pilipinas ang Kyrgyzstan para sa men’s classification sa 13th -14th place.

Nasa final round naman lalaban ang mga wrestlers ng bansa.