-- ADVERTISEMENT --

Sumailalim sa immunotherapy para sa kaniyang cancer ang komedyanteng si Ate Gay.

Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang larawan habang nasa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City.

Sinabi ito na ito na ang pangalawang araw niya sa pagsasailalim sa immunotherapy.

Nagpapasalamat ito dahil sa may mga kaibigan siyang tumulong para sagutin ang nasabing gamutan.

Kada 21 araw ay sasailalim ito ng immunotherapy sa loob ng 12 sessions.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpapasalamat ito sa mga nagpaabot ng pagdarasal para agarang paggaling niya.