Huminto muna sa pagpapatawa ang komedyanteng si Ate Gay matapos ma-diagnose na may stage 4 cancer dahil sa malaking bukol sa ilalim ng kaniyang kanang tenga.
Kwento ni Ate Gay sinakala niyang simpleng bukol lamang ito noong una, ngunit pinayuhan siyang ipatingin nang mapansin ng mga kasama sa trabaho na hindi pantay ang kanyang mukha.
Unang sinabi ng doktor na benign ang bukol matapos ang ultrasound at CT scan, ngunit nagpakonsulta muli si Ate Gay nang lumaki at paulit-ulit na dumugo ang bukol.
“Mahirap ngayon ang lagay ko. May kanser ako, stage 4 daw. Magtatagal ba ang buhay ko? Ang sabi, hindi na daw ako aabutin ng 2026,” ani Ate Gay.
Dagdag pa niya, “Wala raw lunas. Masakit sa akin. Halos araw-araw umiiyak ako. Hindi naman ako nagkulang kay Lord.”
Ngayon, humihingi si Ate Gay ng dasal at suporta mula sa publiko: “Although lagi kong sinasabi na walang himala. Kailangan ko po ng dasal, kailangan ko po ng lakas, at sana po makayanan ko ang araw-araw kong buhay sa ngayon.”
Agad namang ipinakita ang suporta ng ilang kasamahan sa industriya at ng mga naging katrabaho sa comedy bar, kabilang sina Boobay, Atakstar, Jobert Austria, at Tuesday Vargas