-- ADVERTISEMENT --

Umani ngayon ng matinding batikos ang ginawa ng isang grupo ng mga indibidwal matapos piliting painumin ng nakalalasing na inumin ang isang aso.

Sa kumalat na video, makikitang matapos nilang bigyan ng pagkain ang aso, pilit nilang ibinuka ang bibig nito at pinainom ng whisky.

Mariing kinondena ng Animal Kingdom Foundation ang ginawa ng naturang grupo sa kawawang hayop.

Humingi naman ng paumanhin ang uploader ng video dahil sa kanilang ginawa sa naturang aso.