Inihayag ng International Criminal Court (ICC) na lahat ng aplikasyon para sa arrest warrant o summons ay mananatiling “under seal” o confidential, bilang bahagi ng standardisasyon ng proseso ng korte.
Ayon sa Regulation 23 ter, lahat ng aplikasyon mula sa Office of the Prosecutor (OTP) ay sekreto maliban kung pahintulutan ng korte na ilabas ang impormasyon, maliban kung may pahintulot ang korte na ilabas ang impormasyon. Gayunpaman, may diskresyon ang mga chambers, kabilang ang Pre-Trial Chamber I na humahawak sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan maaaring ilabas sa publiko ang warrant, halimbawa para mapigilan ang krimen o mapadali ang pag-aresto.
Ipapadala ang bagong regulasyon sa 125 miyembro ng Rome Statute para sa komento sa loob ng anim na buwan, at mananatiling epektibo kung walang pagtutol.
Ayon kay ICC-accredited lawyer Kristina Conti, maaaring maaplay ang bagong patakaran sa kaso ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, na diumano’y target ng arrest warrant para sa kanyang papel sa Oplan Tokhang.
Binigyang-diin ng ICC na ang lihim na aplikasyon ay hindi nangangahulugang inaakusahan ang isang indibidwal at ang naturang patakaran ay bahagi ng pagsasaayos at pagpapabuti ng proseso ng korte











