-- ADVERTISEMENT --
Nagsalita na si International rock star Arnel Pineda ukol sa alegasyon ng pananakit nito sa asawa.
Sinabi ng kaniyang manager na si Yul Session na ang kaso ay bilang pagganti lamang ng asawa ng singer.
Nais aniya nilang palabasin na marumi ang reputasyon ng Journey frontman.
Kinasuhan kasi ni Pineda ang asawa ng adultery noong nakaraang dalawang taon sa Baguio City at sa Quezon City.
Iginiit pa ng abogado na kahit na may kasong isinampa si Pineda sa asawa ay hindi niya kailanman pinagbuhatan ng kamay ito.
-- ADVERTISEMENT --
Tuloy-tuloy din ang pagbibigay ng sustento ang singer sa mga anak nila.
Magugunitang naglabas ang korte sa Quezon City ng bench warrant dahil sa hindi pagdalo ng singer sa mga itinakdang pagdinig.