-- ADVERTISEMENT --

Nakakuha ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng ika-anim na freeze order mula sa Court of Appeals, na nag-suspend ng 39 bank accounts kaugnay sa imbestigasyon ng umano’y anomalya sa mga flood control projects ng gobyerno.

Kasama rin sa freeze order ang apat na insurance policies at 59 real estate properties na residential, commercial, at agricultural, na konektado umano sa isang dating mataas na opisyal na may papel sa procurement ng mga proyekto.

Simula noong unang freeze order noong Setyembre 16, aabot na sa 1,671 bank accounts, 58 insurance policies, 163 sasakyan, 99 real properties, at 12 e-wallet accounts ang na-freeze ng komisyon, na may kabuuang halaga na tinatayang P4.67 billion.

Ani AMLC Executive Director Matthew David, pinipigilan nila ang paggamit ng mga ari-arian na maaaring may kinalaman sa ilegal na gawain upang maprotektahan ang pondo ng bayan at tiyakin ang makatarungan at transparent na proseso.