-- ADVERTISEMENT --

Umakyat si Alex Eala sa ika-61 puwesto sa pinakabagong WTA rankings matapos ang kanyang makasaysayang panalo sa Guadalajara 125 Open sa Mexico, kung saan siya ang naging kauna-unahang Pilipina na nagwagi ng WTA singles title.

Dahil sa nasabing tagumpay, tumaas ng 14 na ranggo si Eala mula sa dating ika-75.

Tinalo niya si Panna Udvardy ng Hungary sa final, 1-6, 7-5, 6-3, sa isang come-from-behind win na nagpamalas ng kanyang tibay at puso.

Ang 20-anyos na tennis star ay dating umabot sa career-high ranking na World No. 56, at kasalukuyang ikatlong seed sa darating na Sao Paulo Open, isang WTA 250 tournament sa Brazil ngayong linggo.

Bago nito, nakuha rin ni Eala ang kanyang unang panalo sa Grand Slam main draw sa US Open, bago na-eliminate sa second round.

-- ADVERTISEMENT --