-- ADVERTISEMENT --
Target ngayon ni Pinay tennis star Alex Eala na makamit ang panalo sa dalawang laro niyang nakatakda ngayong araw, Enero 8 sa 2026 ASB Classic sa Auckland, New Zealand.
Sa umaga kasi ay sasabak ito sa doubles kasama niya si Iva Jovic kung saan makakaharap nila si Jesika Maleckova ng Czech Republic at Renata Zarazua ng Mexico.
Pagdating naman ng hapon ay makakaharap niya sa singles match si Petra Marcinko ang world number 82 ng Croatia sa Round of 16.
Una ng tinalo ng 20-anyos na si Eala at 18-anyos na si Jovic sina Venus Williams at Elina Svitolina sa doubles first round ng nasabing torneo.











