-- ADVERTISEMENT --

Pasok na quarterfinals ng 33rd Southeast Asian (SEA) Games si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos na makatanggap ng first-round bye sa women’s single tennis.

Ang 20-anyos at ranked 52 sa buong mundo ay siyang manlalaro ng SEA Games na may pinakamataas na ranking.

Susunod na makakaharap nito ang sinumang manalo sa pagitan nina Shihomi Leong ng Malaysia o si Aliya Vongdala ng Laos.

May posiblilidad din na makaharap ni Eala si Priska Nugroh ng Indonesia ang madalas nitong nakakasama sa doubles sa mga international tournaments.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito ay sasabak rin si Eala sa mixed doubles kasama si Nino Alcantara na siyang magbibigay ng malakas na kombinasyon ng bansa torneo.