-- ADVERTISEMENT --

Nagtala ng panibagong career high ranking sa Women’s Tennis Association (WTA) si Pinay tennis star Alex Eala.

Sa inilabas na ranking ng WTA ay nasa pang-53 na ito na umangat ng isang puwesto mula sa dating 54.

Ang ranking ng 54 ay kaniyang nakamit nitong Oktubre 6.

Bagamat naging maaga ang pagtatapos ng kaniyang Japan Women’s Open game ay umangat pa rin ang ranking ng 20-anyos na si Eala.

Maglalaro ito sa singles at doubles category ng nasabing torneo.

-- ADVERTISEMENT --

Sa doubles ay makakasama niya si Nadiia Kichenok ng Ukraine sa umaga habang sa hapon naman ay maglalaro ito sa singles.