-- ADVERTISEMENT --

Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa WTA 125 Philippine Women’s Open.

Kasunod ito sa pagkatalo niya kay Camila Osorio ng Colombia sa score na 6-4, 6-4 sa quarterfinals na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex.

Unang nakalamang si Eala 3-2 laban sa World number 33 subalit hindi na nito nakontrol ang bilis ng Colombian tennis player.

Pagpasok din ng second set ay nakalamang pa si World number 49 na si Eala 3-2 hanggang nagpalitan sila ng puntos at naitbla pa sa 4-4 ang laban.

Hindi na nagpaawat pa si Osorio at tuluyang sinelyuhan ang laban.

-- ADVERTISEMENT --

Bagamat nanghinayang ang 20-anyos na si Eala sa pagkatalo ay masaya rin ito dahil sa nakapaglaro ito sa harap ng mga Filipino fans.