-- ADVERTISEMENT --
All-set na si Pinay tennis star Alex Eala para sa pagsabak nito sa WTA 125 Jiangshan Open sa China.
Unang makakasagupa nito si Aliona Falei ng Belarus sa laro na magsisimula dakong alas-10 ng umaga ng Martes oras sa Pilipinas.
Ang 20-anyos na si Eala ay WTA ranked 57 habang ang 21-anyos na si Falei ay ranked 323.
Target ni Eala na maulit ang pagkampeon nito sa WTA125 Guadalajara Open na ginanap sa Mexico noong nakaraang mga linggo.
Matapos ang torneo na ito ay sasabak muli si Eala sa WTA 125 Suzhou Open mula sa Setyembre 29 hanggang Oktubre 5 at Hong Kong Open mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 2.
-- ADVERTISEMENT --