-- ADVERTISEMENT --

Namayagpag muli ang Pinay tennis star na si Alex Eala at magandang simula ng kanyang 2026 season matapos niyang talunin si Petra Marcinko ng Croatia sa ASB Classic sa Auckland.

Sa score na 6-0, 6-2, pinadama ni Eala ang kanyang dominasyon at tinapos ang laban sa loob lamang ng 1 oras at 12 minuto.

Tatlong beses niyang na-break ang serve ni Marcinko sa unang set at hindi pinatikim ng kahit isang game ang kalaban.

Sa ikalawang set, nakapuntos si Marcinko ng dalawang game ngunit nanatiling kontrolado ni Eala ang laban.

Makakalaban niya sa quarterfinals ang mananalo sa pagitan nina Magda Linette ng Poland at Elisabetta Cocciaretto ng Italy.

-- ADVERTISEMENT --

Ang panalo ay dagdag kumpiyansa para kay Eala matapos niyang makuha ang gintong medalya sa Southeast Asian Games noong Disyembre 2025.