-- ADVERTISEMENT --

Hindi makakasali si Alex Eala sa Cincinnati Open habang nagpapagaling mula sa shoulder injury, ayon sa ulat ng Women’s Tennis Association (WTA).

Ito ay kasunod ng kanyang first-round exit sa National Bank Open sa Montreal, kung saan natalo siya ng Czech na si Marketa Vondrousova sa tatlong set, 6-3, 1-6, 2-6.

Sa kabila ng panibagong maagang pagkalas, matapos ang kanyang Wimbledon debut, ibinahagi ng 20-anyos na tennis star ang kanyang kasiyahan sa paglaro sa Montreal.

‘Montreal was a short but sweet trip… Time to rest and recover, aniya sa Instagram.

Bumaba si Eala mula World No. 65 patungong World No. 69, ngunit patuloy pa ring naghahanda para sa US Open sa New York ngayong Agosto. Hindi siya makakasali sa huling WTA 1000 event bago ang Grand Slam, na pangungunahan nina Aryna Sabalenka at Coco Gauff.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, sinabi ni Eala na balak niyang sumali sa mga torneo sa Asia pagkatapos ng US Open.