-- ADVERTISEMENT --

Masayang ibinahagi ni Pinay tennis star Alex Eala ang muling pagkikita nila ni Miami Heat head coach Erik Spoelstra.

Huling nagkita ang dalawa ay noong tatlong taon ang nakaraan.

Makikita na masayang nagkuwentuhan ang 20-anyos na si Eala at ang Filipino American head coach.

Makikita rin na kasama ni Alex si Heat star Bam Adebayo.

Nakatakdang sumabak si Eala sa Miami Open matapos na makamit ang bagong career high ranking na world number 29.

-- ADVERTISEMENT --

Susunod na makakaharap nito ang sinumang manalo sa pagitan nina Laura Siegemund at Petra Marcinko sa second round.