Aminado ang Filipina tennis superstar na si Alex Eala na marami pa Siyan kakaining bigas bago tuluyang makasabay sa mga pinakamahusay na manlalaro sa mundo ng tennis matapos ang kanyang 6-0, 6-2 na pagkatalo kay Coco Gauff sa quarterfinals ng Dubai Duty Free Tennis Championships.
Batay sa ulat, magkakaroon siya ng maraming pagkakataon na ihasa ang kanyang kakayahan sa totoong laban, dahil inaasahang bibigyan siya ng wild card sa ilang tournament kung saan hindi siya automatic qualifier sa main draw.
Dahil sa dami ng mga Pilipinong tagahanga na dumadalo sa kanyang mga laban, bumuo ang organizers ng iskedyul upang mas madalas siyang mailagay sa center court —isang hakbang na sinimulan pa noong Australian Open matapos na ma-criticize ang venue ng kanyang singles match.
Si Eala, co-winner ng Philippine Sportswriters Association Athlete of the Year kasama si gymnast Carlos Yulo, ay nakapagpuno ng mga venue ng torneo, dahilan upang isaalang-alang ng organizers ang pagbibigay sa kanya ng direct entry sa ilang events.
Sa kasalukuyan, ika-apat na ranked sa mundo si Gauff, habang si Eala ay nasa No. 47. Ngunit sa nakaraang taon, napatunayan nito na hindi imposible para talunin ang mga giants, kabilang ang nakamamanghang panalo niya laban kay Iga Swiatek sa Miami Open.











