-- ADVERTISEMENT --

Agad na sasabak ngayong araw si Pinay tennis star Alex Eala sa Wuhan Tennis Open sa China.

Ito ay matapos ang bigong kampanya sa Suzhou WTA 125 quarterfinals laban kay Viktorija Golubic ng Switzerland sa score na 2-6, 6-2, 6(0)-7.

Bagamat lumaban hanggang sa huling set ang 20-anyos na si Eala ay kinapos pa rin ito sa huling round.

Matapos ang laban ay agad na nagtungo ito sa Wuhan China para sa panibagong torneo.
Sa unang round ay makakaharap niya sa Moyuka Uchijima ng Japan na gaganapin ang laro dakong ala-5 ng hapon ngayong Oktubre 4.

Ang 24-anyos na Japanese player ay mayroong career ranking na 47 kung saan hawak nito ang 13 titles sa singles at 11n naman sa doubles.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasalukuyan ay siya ang number 2 best player sa Japan.

Sa nasabing torneo ay maglalaro ang ilang mga malalaking pangalan sa tennis gaya nina Aryna Sabalenka, Iga Swiatek, Coco Gauff at maraming iba pa.