-- ADVERTISEMENT --
Pumanaw na si Alas Pilipinas men’s volleyball player Ike Barilea sa edad na 21.
Kinumpirma ito ng national volleyball team subalit hindi na sila nagbigay pa ng anumang detalye.
Ibinahagi ng koponan sa kanilang social media ang mga larawan kasama si Barilea.
Kabilang si Barilea nitong 2025 FIVB Men’s World Championship na ang host ay Pilipinas nitong Setyembre.
Naglaro din si Barilea sa national team noong sumabak sila sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Champions League na ginanap sa Japan noong Mayo.
-- ADVERTISEMENT --











