-- ADVERTISEMENT --

Pumanaw na ang Hollywood actor na si Tom Noonan sa edad na 74.

Kinumpirma ito ng direktor na si Fred Dekker subalit hindi na binanggit pa ang dahilan ng kamatayan nito.

Nagsimula ang kaniyang karera noong 1980 ng napasama sa pelikulang “Willie & Phil”.

Mula noong ay bumida na ito sa mga pelikula gaya sa “Robocop 2” , “Last Action Hero” , “Manhunter”, “The Pledge” at maraming iba pa.

Bukod sa mga pelikula ay nakasama rin ang aktor sa ilang TV series gaya sa “The X-Files”, “Law & Order: Criminal Intent” at iba pa.

-- ADVERTISEMENT --