Ibinunyag ng actress na si AJ Raval na ito ay may limang anak na.
Ang tatlo sa nasabing anak niya ay mula sa kasalukuyang partner na si Aljur Abrenica.
Hindi naman na binanggit ng aktres kung sino ang ama ng dalawa pang anak.
Ang unang anak ay pitong taong gulang na babae na si Ariana habang ang isa naman na si Aaron ay namayapa na.
Dagdag pa ng actress na ang pangalan naman ng anak nila ni Aljur ay sina Aikina, Junior at Abraham.
Naging maganda naman ang relasyon ng anak nito sa unang anak ni Aljur kay Kylie Padilla na sina Axl at Alas.
Dagdag pa ng sexy aktress na kaya ito nagdesisyon na ibunyag ang pagiging ina para matuldukan na ang matagal ng usap-usapan.
Aminado ito na sa una ay mahirap ang pagiging ina hanggang madiskubre niya kung gaano ito kasaya.
Magugunitang unang ibinunyag ni Jeric Raval ang ama ng aktress na mayroon na itong apo kay AJ at Aljur.











