-- ADVERTISEMENT --

Namataan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga panibgaong presensiya ng mga barko mula sa panig ng China base sa isinagawang maritime domain awareness (MDA) minitoring ng knilang tropa sa West Philippine Sea.

Sa iang pahayag, ipinaliwanag ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na namataan ng kanilang hanay ang dalawang People’s Liberation Army Navy ships, isang Luyang Class Guided Missile Destroyer at isang Jiangkai Class Frigate sa layong 40 nautical miles Timog-Silangang bahagi ng Bajo de Masinloc.

Ang mga barko ay namonitor habang nagsasagawa ng ika-10 Multilateral Martime Cooperative Activities ang AFP kasama ang tropa mula sa United States Navy, Royal Canadian Navy at ang Royal Australian Navy.

Naobserbahan naman ang mga presensiyang ito alinsunod sa international task group at wala namang isinasagawang anumang surface serials o synchronized na mga paggalaw na siyang karaniwang nagpapahiwatig ng isang joint patrol na sumasalungat sa Souther Theater Command.

Samantala, ang mga naturang presensiya naman ay isa lamang mensahe ng kanilang malign influence operations para lamang bigyang-katwiran ang kanilang mga iligal na pagpapatrolya sa mga teritoryong sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --