-- ADVERTISEMENT --


Pinag-iingat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang publiko sa pagkalat ng video na nagpapanggap bilang si Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.

Ayon sa AFP na ang pekeng account ay gumagamit ng mapanlinlang at Artificial Intelligence videos.

Ang nasabing video ay hindi otorisado at layon nito ay para linlaning ang tao.

Kanilang kinondina ang nasabing pagkalat ng video at tiniyak nila papanagutin ang mga nasa likod nito.