-- ADVERTISEMENT --



GENSAN
– Mahigpit ang naging tagubilin ni Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., sa mga pulis na huwag magpasilaw sa suhol.

Ito’y kasunod ng kanyang pagbisita sa Gensan at pinangunahan ang opisyal na pag-upo ni PBGen. Arnold P. Ardiente bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 12.

Ang Assumption of Office Ceremony ay isinagawa sa PRO12 Grandstand, Camp Gen. Paulino T. Santos, Tambler.

Sa kanyang talumpati, hiniling ni Nartatez sa lahat ng mga pulis na ibigay ang kanilang buong suporta kay Ardiente at ibigay din ang kanilang commitment  bilang mga alagad ng batas.

Mahigpit nitong pinaalalahanan ang mga pulis na huwag tumanggap ng suhol at laging alalahanin ang kanilang panunumpa sa lahat ng kanilang gagawing desisyon.

Si Ardiente ang pumalit kay PBrig. Gen. Romeo Macapaz matapos na isinailalim ng National Police Commission (Napolcom) ang dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief sa preventive suspension sa loob ng 90 araw.

Ito ay dahil sa  kaso ng mga nawawalang sabungero.