-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan si Pope Leo XIV ng kapayapaan sa mga bansang apektado ng digmaan kasabay ng pagdiriwang ng unang Linggo ng Advent sa St. Peter’s Square sa Vatican nitong Linggo.

Sa kanyang mensahe hinimok ng Santo Papa ang mga mananampalataya na maglaan ng panahon sa panalangin, pakikinig sa Salita ng Diyos, at paggawa ng kabutihan bilang paghahanda sa pagdating ni Hesukristo ngayong Kapaskuhan.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagtulong sa mga taong nagdurusa dahil sa digmaan at ang pangangailangang magkaroon ng konkretong hakbang tungo sa kapayapaan.

Ayon sa Santo Papa, ang panahon ng Advent ay pagkakataon upang palalimin ang pananampalataya, manumbalik sa Diyos, at isabuhay ang pagmamahal sa kapwa.

Hinimok din niya ang mga Katoliko na isabuhay ang tunay na diwa ng Advent sa pamamagitan ng pakikibahagi sa Banal na Misa, kumpisal, panalangin, at pagtulong sa mga nangangailangan, bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko.

-- ADVERTISEMENT --