-- ADVERTISEMENT --
Itinuturing na isang malaking hakbang sa industriya ng offshore wind sa Pilipinas ang groundbreaking ng Pambuhan Marshalling Port sa Camarines Norte.
Bilang kauna-unahang pasilidad sa bansa na partikular na ginawa para sa offshore wind, magsisilbi itong sentro sa pagdadala at pagbubuo ng mga piyesa ng turbine.
Suportado nito ang mga susunod na proyekto, pamumuhunan, at oportunidad sa trabaho para sa mga komunidad.
Inaasahang magiging operational ito pagsapit ng unang bahagi ng 2028 upang mapakinabangan ang malawak na potensyal ng offshore wind sa bansa.
Makakatulong din ang proyekto upang lalo pang patatagin ang seguridad sa enerhiya ng Pilipinas.Balitang Pilipinas
-- ADVERTISEMENT --











