-- ADVERTISEMENT --

Higit 13 minero ang nasawi habang 13 naman ang patuloy na pinaghahahanap matapos bahain ang isang ilegal na minahan ng ginto sa West Java, Indonesia nitong Miyerkules, Nobyembre 25.

Kaugnay ito ng ulat na natanggap ng lokal na pulis nitong Martes, 16 oras simula nang magbaha ang naturang minahan sa Pongkor, Bogor, isang bulubunduking lugar sa West Java, 60 kilometro mula sa kabeserang Jakarta.

Pinagmulan ng baha ang malakas na pagbuhos ng ulan sa lugar, kung saan umapaw ang tubig sa ilog sa nasabing distrito at bumara sa minanahan.

Hindi rin kaagad naipalam sa awtoridad ang pagbaha dahil sa anila’y ilegal at patagong operasyon ng mga ito. Agad namang nagkasa ng malawakang rescue operation ang mga ito dakong Miyerkules ng madaling araw.

Pahirapan din para sa Search and Rescue Agency ng Jakarta ang pagsagip sa mga na-trap at nawawalang minero.

-- ADVERTISEMENT --

325 rescue personnel na ang ipinadala ng ahensiya sa lugar na kasalukuyan namang nahaharap sa pagsubok dulot ng makikitid na hukay na may lalim na humigit-kumulang 100 metro (330 talampakan), kakulangan sa ilaw, at madulas na lupa.

“The depth of the shaft, narrow ⁠access and limited lighting are key considerations in determining the search strategy so that personnel can operate safely,” Desiana explained. “All efforts are made by taking into account field conditions and prioritising the safety of personnel involved in SAR (search and rescue) operations,” saad ng rescue chief na si Desiana Kartika Bahari.