-- ADVERTISEMENT --

Sisimulan na ng Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya sa nagpapatuloy na fifth window ng 2027 FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers, kung saan unang makakaharap ng pambansang koponan ang Syria ngayong Biyernes sa Seremban, Malaysia.

Gaganapin ang bakbakan alas-8 ng gabi sa Karisma Arena, na itinuturing na mahalagang laban para sa Gilas na kasalukuyang nasa ikalimang puwesto sa Group E taglay ang record na 4-4 win-loss.

Kailangan ng Pilipinas ang panalo upang mapalakas ang tsansa nitong makapasok sa susunod na yugto ng torneo, kung saan kailangang makapasok sa top three ng grupo.

Pangungunahan ni naturalized player Bennie Boatwright ang koponan sa kanyang unang pagsabak para sa Gilas. Makakasama niya sina Kai Sotto, AJ Edu, Quentin Millora-Brown at Mike Phillips, gayundin ang mga beteranong sina Dwight Ramos, Scottie Thompson, Kevin Quiambao at Juan Gomez de Liaño.

Matapos ang kanilang laban kontra Syria, haharap naman ang Gilas sa Iran sa Linggo, Nobyembre 29, alas-5 ng hapon.

-- ADVERTISEMENT --

Dalawang mahalagang panalo ang target ng Pilipinas sa kasalukuyang window upang mapanatili ang pag-asang makapasok sa susunod na round ng 2027 FIBA Basketball World Cup Qualifiers.