-- ADVERTISEMENT --

Isang oil tanker na may kargang hanggang 7,000 toneladang diesel ang tumaob sa baybayin ng Ibiza, Spain, na ikinasawi ng isang tripulante.

Nasa 17 tripulante ang sakay ng barkong Med Emre, 7 sa kanila ang isinugod sa ospital, ngunit isa ang kalauna’y binawian ng buhay. Anim naman ang nagtamo ng minor injuries, kabilang ang hypothermia.

Patuloy na sinusuri ng mga awtoridad ang posibleng pagtagas ng langis na maaaring makapinsala sa karagatan. Bahagyang nakalubog ang barko, kaya mas posible na ang pagsasagawa ng recovery operations.

Patuloy din ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente at ang lawak ng posibleng pinsala sa kapaligiran.