Sinegundahan ng Department of Justice ang ginawang paghimok ng Korte Suprema na resolbahin ang kaso ng Maguindanao Massacre.
Sa panayam kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, kanyang binigyang diin na dapat nang maresolba ang nabanggit na kaso.
Kinilala ng naturang opisyal ang mahalagang papel ng midya o mga mamamahayag sa pagsasapubliko ng tunay nangyayari sa bansa.
Kaya’t kinakailangan aniyang mabigyan ang mga ito ng sapat na proteksyon upang magampanan maigi ang trabaho na mailahad ang katotohanan.
Naniniwala si Usec. Vasquez na dapat maproteksyunan ang mga mamahayag sapagkat saklaw aniya ito sa batas patungkol sa ‘freedom of expression’.