Nagkasundo ang Ukraine at Russia sa isang panandaliang ceasefire sa occupied town ng Oleshky simula Oktubre 27 sa pamamagitan ng diplomatic efforts ni US First Lady Melania Trump.
Layunin ng kasunduan na makapasok ang mga humanitarian aid tulad ng pagkain at gamot at magkaroon ng safe passageway para sa paglikas ng mga natitirang residente doon.
Inihayag din ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy na magkakaroon ng panibagong technical-level peace talks ang Ukraine, Russia, at US sa Abu Dhabi sa unang kalahati ng Nobyembre.
Ang mga diplomatikong hakbang na ito ay naganap sa gitna ng sigalot kaugnay ng limitasyon sa SpaceX Starlink communication system at ang kasunduan ng US para sa Russian diesel shipment.
Kasabay nito, matagumpay ring isinagawa ng dalawang bansa ang isang prisoner exchange kung saan 270 servicemen ang naisoli ng bawat panig.










