-- ADVERTISEMENT --
Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo nito, kasabay ng pagkilala sa mga tauhan nitong naglilingkod para sa kaligtasan ng publiko at proteksiyon ng karagatan.
Ayon sa Pangulo, nagsagawa ang PCG ng mahigit isang milyong pre-departure inspection sa mga sasakyang pandagat sa mga pantalan sa buong bansa nitong nakaraang taon.
Nakapagligtas din ang PCG ng halos 95,000 katao at nakatulong sa humigit-kumulang 138,000 indibidwal sa panahon ng mga sakuna at emerhensiya.










