-- ADVERTISEMENT --

Iginiit ni Vice President Sara Duterte’s spokesperson Salvador Paolo A. Panelo Jr. na hindi umano kinumpirma ng AMLC Executive Director ang mga alegasyon ni dating Senador Antonio Trillanes IV laban sa Bise Presidente.

Ayon kay Panelo, nagtestigo lamang ang AMLC official tungkol sa covered at suspicious transaction reports na isinumite ng mga bangko.

niya, hindi nito napatunayan na ang mga perang iniugnay kay Duterte ay ilegal ang pinagmulan, itinago, o pagmamay-ari mismo ng Bise Presidente.

Iginiit din ni Panelo na kailangang patunayan pa ng prosekusyon ang mga naturang alegasyon, at sinabi niyang walang “probative value” ang mga pahayag ni Trillanes. Tinawag din niya ang mga alegasyon nito na “better suited for the parlor, not the court.”