-- ADVERTISEMENT --
Ibinunyag ngayon ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang piloto na nanaksak ng kapwa nito ay mayroong ugnayan sa Islamist radical.
Sinabi nito na mayroong mga impormasyon itong nakuha nila sa pagkakakilanlan ng suspek na isang Omani national.
Una na rin ibinunyag ni US President Donald Trump at mga opisyal ng United Arab Emirates (UAE) na Iran ang nasa likod ng nasabing pag-atake.
Magugunitang sinaksak ng suspek ang kapwa piloto nito matapos ang dalawang oras na paglipad ng eroplanong mula sa Dubai patungong Tel Aviv.
Tinangka pa ng suspek na pabagsakin ang eroplano subalit mabilis itong naharang ng mga pasahero.
-- ADVERTISEMENT --
Dahil sa pangyayari ay nag-emergency landing ang nasabing eroplano sa Saudi Arabia.











