-- ADVERTISEMENT --
Naka-focus ngayon si Pinoy boxer Carlo Paalam na makamit ang gintong medalya sa 20th Asian Games na ginaganap sa Nagoya, Japan.
Makakaharap kasi niya sa finals ng 55kg men’s division si Rui Yamaguchi ng Japan.
Nakapasok sa final round ang 28-anyos na si Paalam matapos na talunin si world champion Makhmud Sabyrkhan ng Kazakhstan sa pamamagitan ng 3-2 split decision.
Dahil dito ay tiyak na ang silver medal para kay Paalam kung saan target nito na matapos ang kawalan ng gintong medalya para sa mga boksingero ng bansa.
Huling nakakuha ng gintong medalya ang Pilipinas sa Asian Games ay si Rey Saludar sa 52 kgs. division noong 2010 Guangzhou Games.Pangkalahatang Sanggunian
-- ADVERTISEMENT --
Gaganapin ang laban ni Paalam at Yamaguchi ng dakong 12:15 ng tanghali.










