Pinaalalahanan ng Malacañang ang publiko na pairalin ang pagiging kalmado, at huwag mataranta upang maghoard ng tubig kaugnay sa banta ng Super El Niño.
“Ang unang-una po kasi, bakit kailangang mag-hoard ng tubig? Para pang-inom? Hindi po tayo mawawalan ng tubig para mainom,” ani Castro
Ayon pa kay Castro na kaysa magpanic-buying, pinayuhan niya ang mga Pilipino na gawin ang kanilang mga parte upang makatipid sa pagkonsumo ng tubig. Dagdag pa niya na, mangyari din kumpunihin ang leak sa mga gripo o water pipes sa bawat kabahayan.
“Ang kailangan po ng mga kababayan natin ay magprepara, maging ready po. Kung ano man po ang mangyayari kailangan pa rin natin paghandaan.” dagdag pa ni Castro.
Ayon pa kay Palace Press Officer Claire Castro na naghahanda na ang Task Force El Niño sa banta ng matinding tag-init.
Ilang ahensya naman tulad ng Department of Agriculture (D.A.), National Irrigation Administration (NIA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kabilang din Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Social Welfare and Development (DSWD) na patuloy na nakikipag-ugnayan sa Climate Change Commission bilang paghahanda sa super El Niño.
Ibinahagi rin ni Castro na maglalaan ng 6.2 billion pesos para sa Department of Agriculture bilang tulong sa mga magsasaka at mangigisda. Maglalaan din ng P39.82 billion pondo para sa National Disaster Risk Reduction and Management sa ilalim ng 2026 General Appropriation Act.
Maglalaan naman ng P4.5 billion para sa crop insurance, P45.67 billion sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund, at maglalaan din ng P30.47 billion para sa irrigation restoration and development.
Habang P11.18 billion naman ang nakalaan para sa NFA rice buffer stocking, at P9.88 billion pesos naman para sa Quick Response Fund sa frontline agencies.











