-- ADVERTISEMENT --
Sinita ni Filipina tennis player Alex Eala ang isang fan na naghagis ng cap sa kanya habang palabas siya ng court matapos ang kaniyang laban sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.
Sa isang video na kumakalat sa social media, makikitang naglalakad palabas ng court si Eala nang biglang ihagis ng isang lalaki ang cap upang humingi ng autograph.
Agad na huminto si Eala, pinulot ang cap at sinabihan ang fan na hindi dapat naghahagis ng mga gamit sa mga player at dapat itong humingi nang maayos kung nais ng autograph.
Sinabi ni Eala, “Sir, you shouldn’t throw things at players. You say it nice and I will sign for you, but please don’t throw things, okay?”









