-- ADVERTISEMENT --

Tinatayang P6,800,000 na halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Brgy. Caniogan, Pasig City nitong Sabado, Setyembre 26.

Arestado ng Pasig PNP ang isang 22 taong gulang na lalaki na umano’y high-value individual matapos itong mahulihan ng isang kilo ng umano’y ipinagbabawal na droga na nakasilid sa anim na pakete ng zip-lock bags.

Nakumpiska rin mula sa suspek ang ilang paraphernalia kabilang and tatlong P1,000 na ginamit bilang buy-bust money, isang green sling bag, driver’s license ng suspek, isang digital weighing scale, at ang motor ng nasabing suspek.

Nai-turn over na rin ng awtoridad ang mga nasabing ebidensya, kabilang ang pinaghihinalaang droga, sa Station Drug Enforcement Unit para sa drug testings at forensic laboratory examinations.

Nakatakda naman ang paglilitis ng suspek na haharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinigurado naman ni PNP NCR Officer-in-Charge Police Brigadier General Christopher Abrahano na patuloy aniya ang pagsusugpo ng pulisya sa mga drug networks sa rehiyon.

“There will be no letup in our campaign against illegal drugs. Our personnel will continue to identify, track, and arrest those responsible for bringing these substances into our communities, regardless of the scale of their operations,” saad ng hepe.