-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala ang China sa Pilipinas laban sa anumang hakbang na maaari umanong makasira sa bilateral relations, kasunod ng planong pagbubukas ng Taiwan ng representative Office sa Cebu.

Ayon kay Chinese foreign ministry spokesperson Guo Jiakun, dapat manatili ang Pilipinas sa one China policy at iwasang gumawa ng mga hakbang na maaaring makapinsala sa ugnayan ng Manila at Beijing.

Kinumpirma naman ni Taiwan foreign minister Lin Chia-lung na naghahanda ang Taipei para sa pagbubukas ng ikalawang representative office nito sa Pilipinas, matapos ang kasalukuyang Taipei Economic and Cultural Office sa Metro Manila.

Sinabi ni Lin na layunin ng cebu office na magbigay ng serbisyo sa mga Taiwanese traveler at negosyante sa visayas at mindanao, gayundin palawakin ang economic ties sa pilipinas. Hindi pa tinukoy ang petsa ng pagbubukas nito.

Samantala, muling iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Agosto na nananatili ang Pilipinas sa one China policy, kahit nagpapatuloy ang commercial ties sa Taiwan.

-- ADVERTISEMENT --