Patuloy na nakakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas, kasabay ng pumasok na Low Pressure Area (LPA) sa hilagang bahagi ng bansa.
Batay sa huling ulat ng weather bureau, ang LPA ay huling natukoy sa kalayuang 520 kilometro sa Hilaga Hilagang-Silangan ng Itbayat, Batanes.
Bunsod ng patuloy na pag-iral ng Habagat, inaasahan ang pag-ulan sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, Pangasinan, La Union, Benguet, Bataan, Zambales, Tarlac, at Pampanga.
Makakaranas din ng mga pag-ulan atulad ng kalat-kalat na pag-ambon o pag-kidlat ang Metro Manila, pati na rin ang Ilocos Norte, Abra, Ifugao, Mountain Province, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro.
Pinag-iingat ng mga awtoridad ang mga residenteng nasa mababang lugar laban sa posibleng pagbaha at ang mga nasa bulubunduking lugar laban sa banta ng pagguho ng lupa dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.











