Bahagyang napilipit ang tuhod ni Senator Jinggoy Estrada noong ito ay biglang tumayo habang nasa loob ng Quezon City Jail.
Ito ang naging inisyal na pagsusuri ni Dr. Jose Fernando Syquia, ang orthopedic doctor ng 63-anyos na Senador.
Dagdag pa ng doktor na ang nasabing kondisyon ay kadalasang isasailalim sa operasyon.
Ipinapapaubaya na lamang nito sa Senador kung kailangan niyang ma-confine at kaya nitong tiisin ang sakit.
Magugunitang dinala sa Cardinal Santos Medical Center sa lungsod ng San Juan si Senator Estrada matapos na lumagutok umano ang tuhod nito noong ito ay tumayo.
Una ng pinayagan ng Sandiganbayan noong araw ng Lunes ang hiling ni Estrada na kung maari ay sumailalim sa X-ray ang kaniyang tuhod dahil sa pananakit.
Subalit ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na habang naghahanda ang Senador sa pagtungo sa pagamutan ay bigla na lamang lumagutok ang tuhod nito kay nadagdagan ang pananakit nito.
Nakakulong si Estrada dahil sa kasong plunder at graft na may kinalaman sa umanoy pagkuha niyia ng kickback mula sa flood control projects.











